TINIYAK ng pamahalaan na isasaayos din nito ang procurement ng bakuna kontra African Swine Fever bilang bahagi ng pagsisiguro sa food security ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, plano na talaga ito ng gobyerno ngunit na udlot lamang dahil sa pag-usbong ng COVID-19 pandemic.
Ani Roque, kasama ang pag-angkat sa isasagawang whole of the nation approach sa paglaban sa ASF.
Inihayag din ng kalihim na may mga ginawa nang hakbang ang administrasyon upang makakuha ng bakuna sa kabila ng taas ng demand dito.
Sa pinakahuling tala ng Department of Agriculture (DA), aabot na sa 350,000 na baboy ang pinatay dahil sa ASF habang pumalo na sa P56 bilyon ang total cost mula nang magsimula ang ASF outbreak noong 2019.