POSIBLENG lumagpas sa 20 MMT ang produksiyon ng bigas sa bansa ngayong 2023 ayon sa Department of Agriculture (DA).
Positibo ang DA na walang mangyayaring rice shortage sa bansa ngayong 2023.
Kasunod ito sa inaasahang magandang ani ng mga magsasaka sa huling quarter ng 2023.
Ayon kay DA Usec. Leocadio Sebastian, sapat pa ang suplay ng bigas sa bansa.
Maganda naman aniya ang produksiyon ng bigas ngayon, dahil kung walang darating na malalakas na kalamidad ay inaasahan pa nilang sasampa sa 20 milion metric tons (MMT) ang produksiyon ng bigas ngayong 2023.
Ito’y lagpas pa sa produksiyon noong 2021 at 2022.
Dagdag pa nito, nananatili ang augmentation ng suplay mula sa mga paparating na imported na bigas.
Gayunpaman, nananawagan si Usec. Sebastian na tigilan na ang mga ispekulasyon na kakapusin ang suplay ng bigas dahil malaki aniya ang epekto nito sa mamamayan.