Produksiyon ng isda sa bansa, bahagyang bumaba nitong 2023—PSA

Produksiyon ng isda sa bansa, bahagyang bumaba nitong 2023—PSA

INIULAT ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang kabuuang produksiyon sa sektor ng pangisdaan sa bansa sa taong 2023.

Batay sa tala ng PSA, umabot sa 4.26 milyong metriko tonelada ang produksiyon ng isda mula Enero – Disyembre ng 2023.

Mas mababa ito ng 1.8% kung ikukumpara sa naitalang 4.34 milyong metriko toneladang produksiyon noong 2022.

Pangunahing dahilan sa pagbaba ng produksiyon ay ang commercial, marine municipal, at inland municipal fisheries subsector.

Sa commercial fisheries production, nasa 4.9% ang naitalang annual decline para sa kabuuang 820.30 libong metriko tonelada.

Bumaba naman ng 7.3% ang total volume of production sa marine municipal fisheries habang 0.4% naman ang ibinaba sa inland municipal fisheries production.

Samantala, nakapagtala naman ng pagtaas ang aquaculture production sa taong 2023.

Aabot sa 2.38 milyong metriko tonelada ang kabuuang produksyon sa naturang sektor na mas mataas ng 1.5% kumpara sa output noong 2022.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble