MALAKI ang epekto ng matinding init ng panahon sa produksiyon ng itlog.
Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Philippine Egg Board Association President Francis Uyehara, ipinaliwanag nito ang rason ng bumababang produksiyon at ang pagliit sa size ng itlog na napo-produce ngayon.
Ayon pa kay Uyehara, nagkakaroon ng imbalance sa distribution ng sizes kaya tumataas ang presyo ng malalaki habang bumabagsak naman ang presyo ng maliliit sa pamilihan.
Nakikita rin ni Uyehara na kung hindi gaganda ang presyo ng itlog sa ngayon ay maaaring magbawas ng produksiyon ang mga egg farmers na posibleng magreresulta naman ng mataas na presyo ng itlog sa oras na tataas ang demand o consumption.
Sa ngayon, ang presyo ng malalaking itlog sa merkado ay nasa P260 / tray habang P160 per tray naman ang bentahan sa maliliit.