UMABOT ng 20.06-M metric tons noong 2023 ang produksiyon ng palay ayon sa Department of Agriculture (DA).
Mas mataas ito ng 1.5 porsiyento kumpara sa 19.76-M metric tons noong 2022.
Ayon kay DA Sec. Francisco Tiu Laurel, Jr. ay target nilang mas mapataas pa ang palay produksiyon ngayong taon.
Inamin din nito na malaking hamon ang epektong dala ng El Niño.