Produksyon ng asukal, ilalaan sa domestic market ngayong buwan hanggang sa 2022

Produksyon ng asukal, ilalaan sa domestic market ngayong buwan hanggang sa 2022

SINANG-AYUNAN ng mga stakeholders ng asukal ang desisyon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na ilaan ang produksyon ngayong taon sa domestic market.

Epektibo na ito kahapon, Setyembre a-uno hanggang sa buwan ng Agosto sa susunod na taon.

Ayon kay SRA Board Planters Representative Emilio Bernardino Yulo III, ang naturang hakbang ay bilang tulong na rin na masigurong sapat ang supply ng asukal sa bansa sa gitna ng pandemya.

Nauna nang inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibleng la niña sa Oktubre o Nobyembre  ang peak season ng sugar industry kung kaya’t posibleng magresulta ito sa kakulangan ng supply ng asukal.

 

 

SMNI NEWS