SINABI ni Political Strategist Prof. Malou Tiquia na ang daming naiisip na panukalang batas ni Pastor Apollo Quiboloy.
Halimbawa aniya nito ang pagkakaroon ng zero corruption upang mawala ang mga ganid sa kapangyarihan at pondo, marami tayong magagawa.
“Kung titingnan niyo si Pastor Apollo Quiboloy, ang dami niyang naiisip na panukalang batas. Hindi mahirap, common sense lang. Bakit hindi tayo magtanim?”
“Sabi niya, kung magkakaroon ng zero corruption at mawawala ang mga ganid sa kapangyarihan at pondo, marami tayong magagawa. Hindi mahirap ang Pilipinas. Ang problema lang, mali ang mga nahahalal natin,” pahayag ni Prof. Malou Tiquia, Political Strategist.