MAS pinaigting pa ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon ang programa nito kontra dengue.
Kaugnay rito, hinihikayat ng lungsod ang mga residente nito na magtulung-tulong sa mga ginagawang clean-up drive upang mapanatili ang kalinisan at maiiwas ang mga ito sa epekto ng pagdami ng mga lamok sa bawat komunidad partikular na sa Brgy. Batasan Hills.
Bukod rito, tuloy din ang pamamahagi ng dengue flyers para sa publiko sa Brgy. Old Balara.
Ayon sa pinakahuling datos ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, umabot sa 6697 na kaso ng dengue ang naitala mula January 1 hanggang November 23, 2024.
Naitala sa District 2 ang may pinaka-mataas na umabot na sa 1604 cases at District 3 naman ang pinaka mababa na may 810 na kaso.
May labing-siyam (19) naiulat na DENGUE related deaths mula sa lahat ng distrito.
Pinapayuhan ang lahat na magtungo kaagad sa pinakamalapit na Health Center o pagamutan sakaling makaramdam ng mga sintomas ng dengue.