BINUO ng Pasig City ang Project Angel Tree program upang maitaas ang kaalaman ng kanilang residente hinggil sa child labor.
Katuwang ng Pasig City dito ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa naturang programa, mabibigyan ng kabuhayan packages ang mga kabataan at ang kanilang pamilya para masolusyonan ang nararanasang kahirapan.
Aabot sa 50 ang benepisyaryo ng programa.
Mayroon ding 25 na benepisyaryo o mga magulang na biktima sa child labor ang kanilang mga anak ang nakatanggap ng tig- 20 libong financial assistance at 16 na sako ng bigas.