NAIS malaman ni National Security Adviser (NSA) at Vice Chairman ng Anti-Terrorism Council Secretary Hermogenes Esperon Jr. ang programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) mula sa mga tatakbong pangulo ng bansa sa isinagawang kauna-unahang presidential debate ng SMNI na isinagawa ngayong araw, Pebrero 15 sa Okada Manila.
Ayon kay Esperon, para sa kanila na nagsusulong sa program ng NTF-ELCAC, ito ay para maipaliwanag nila ng maayos sa mga ito ang mga programa at layunin ng ahensya.
“And it has really taken us miles and miles into exposing the duplicity of the CPP-NPA-NDF terrorist triads so malaking problema ito, so we simply want to see how the presidentiables would respond to questions about it,” ayon kay Esperon.
Giit ni Esperon, ang NTF-ELCAC ay bahagi ng Whol- of -Nation-Approach ng pamahalaan at ang pangulo mismo ang chairman nito.
Nilinaw din ni Esperon na mahalagang malaman kung paano tutugunan ng mga presidentiable ang matagal nang pandaraya ng CPP-NPA-NDF.
Binigyang-diin ni Esperon na kailangang ituloy ng susunod na pangulo ng ating bansa ang programa ng NTF-ELCAC na sinimulan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte upang tuluyan nang mawakasan ang insurhensya sa bansa.
“Kailangan, kailangan talaga. Its 53 year scourge. Talagang itong ‘yung nanggulo sa atin magmula sa – let’s start with the Plaza Miranda bombings, the recruitment of the youths, the creation of front organizations na akala mo ay gagawa ng mga hakbang upang mabigyan ng proteksyon o kapakanan yung mga miyembro, [‘yun] pala ay gagamitin lang pala sila upang maagaw nila ‘yung poder, ‘yung government para sila naman ang mamuno,’’ saad ni Esperon.
Si Esperon ay kasalukuyang chairman ng National Task Force for the West Philippine Sea, Vice Chairman of the Anti-Terrorism Council at National Cyber Security Committee.