Programa para sa mga OFWs, dependents tinalakay kasama ang alkalde ng Dagupan at ilang ahensya ng gobyerno

Programa para sa mga OFWs, dependents tinalakay kasama ang alkalde ng Dagupan at ilang ahensya ng gobyerno

IBINAHAGI ng team mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 1 sa pamumuno ni OIC Regional Director Gerardo Rimorin, Mayor Belen Fernandez at Public Employment Services Office (PESO) manager Joy Siapno ang mga programa ng naturang ahensya para sa mga overseas Filipino workers (OFW) at dependents nila.

Ipinakita ng OWWA team sa nasabing pagpupulong ang sitwasyon ng mga anak ng OFWs mula Dagupan at kung papaano makatutulong ang mga programa ng OWWA upang magabayan ang mga ito sa tamang direksyon.

Kasama rin dito ang mga aktibidad upang linangin ang talento at skills ng mga OFW dependents.

Sa darating na Nobyembre, naghahanda na rin ng mga aktibidad ang Dagupan LGU para sa Children’s Month Celebration at isasama na rin ang para sa mga OFW dependents.

Base sa datos ng OWWA, aabot sa 16, 364 OFWs mula Dagupan base na may petsang June 30, 2022.

Ayon naman kay OIC RD Rimorin na nakita nila ang suporta ni Mayor Belen noon pa man sa nakaraang administrasyon niya at ngayon, gaya ng pagsaklolo sa mga distressed OFWs.

 

 

 

Follow SMNI News on Twitter