DINUMOG ng mga Manilenyo ang Kalinga sa Maynila sa isinagawa nitong programa na ibinaba ang mga serbisyong hatid ng Manila City Hall diretso sa barangay ng lungsod.
Kabilang ang binabaan ng Kalinga ay ang Brgy. 397, 398, 399, 400, at 401 sa Sampaloc nitong Agosto 7, 2024.
Iba’t ibang mga serbisyo ang hatid ng Kalinga tulad ng libreng check-up at gamot, fasting blood sugar, ECG, blood typing, notaryo, police clearance, at mga libreng konsultasyon sa senior citizens, PWD, solo parents, kuryente, tubig, kalsada, trapiko, basura, trabaho, at iba pa
Ang Kalinga sa Maynila ay programa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga Manilenyo.