Programang magbibigay kaalaman sa pagnenegosyo sa OFWs, tiniyak ng DMW at DTI

Programang magbibigay kaalaman sa pagnenegosyo sa OFWs, tiniyak ng DMW at DTI

TINIYAK ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Trade and Industry (DTI) na mabigyan ng pagsasanay at kaalaman sa pagnenegosyo ang mga overseas Filipino worker (OFW).

Ito’y kasabay ng pagdiriwang ng 28th National Migrant Workers Day ay nilagdaan ng DMW at DTI ang kasunduan sa business training at mentorship programs para sa mga OFW.

Hindi lang ang OFWs kundi mismo ang mga naiwang pamilya sa Pilipinas ng mga OFW ang saklaw sa programang iniaalok ng DMW at DTI.

Kaugnay sa nasabing kasunduan ay pinangunahan ito nina Migrant Workers Secretary Susan Ople at Secretary Alfredo Pascual ng DTI.

Ang aktibidad ay ginawa sa tanggapan ng DMW, araw ng Miyerkules, Hunyo 7 sa lungsod ng Mandaluyong.

Layunin ng programang ito na matulungan ang mga OFW na magsimula ng sariling negosyo.

Tampok sa kasunduan ng DMW-DTI ay ang: Pagtulong sa proseso sa business registration process para sa mga OFW; Paglalakip sa mga OFW at pamilya nito sa business training and development programs ng DTI; Financial literacy training courses para sa mga OFW  katuwang ang mga tanggapan ng DMW sa buong mundo at regional offices ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga pamilyang OFW sa buong bansa, at marami pang iba.

Target din ng naturang ahensiya na mabigyan ng ganitong programa ang umuuwing OFW o tapos na ang kontrata sa ibang bansa.

Samantala, may paalala rin ang DTI sa mga OFW na namumuhunan ng malaking pera sa pag-aakalang agad na kikita ng malaking halaga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter