Programang PaTalk ng DZAR Sonshine Radio, umani ng parangal mula sa World Class Global Awards 2024

Programang PaTalk ng DZAR Sonshine Radio, umani ng parangal mula sa World Class Global Awards 2024

ISA nanamang pagkilala ang tinanggap ng programang PaTalk ng DZAR1026 Sonshine Radio Manila sa ginanap na World Class Global Awards 2024 sa Pasay City.

Nakuha nito ang ‘Outstanding Business Program in Radio’.

Ayon sa organizer, malaking inspirasyon sa larangan ng pagnenegosyo ang programang PaTalk partikular na sa micro, small, and medium enterprises (MSMES) na maipakilala ang mga papausbong na negosyo at produktong Pinoy hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa ibayong dagat rin.

Sa programang “PaTalk, may oportunidad sa bawat Ka-Talk”, dito naipamamalas ng mga negosyante ang angking galing at diskarte ng mga Pilipino sa larangan ng pagnenegosyo.

Dagdag pa rito, kagaya ng “PaTalk”, target rin ng Worldclass Global Awards na kilalanin ang mga Pilipinong hindi napapansin at nabibigyan ng break bagamat may malaking ambag sa pang-araw-araw na buhay ng maraming Pilipino.

Para sa bumubuo ng “PaTalk”, ang nasabing parangal ay nagpapatunay ng isang dekalidad na serbisyong Pinoy lalo na sa mga nagsisimula palang sa negosyo.

At sa ilalim ng adbokasiya at adhikain nito na matulungan ang bawat Pilipino na maiangat ang kanilang pamumuhay tungo sa isang mas malagong ekonomiya sa bansa.

Bukod naman sa PaTalk, kinilala rin ang iba’t ibang indibidwal, sektor at korporasyon na nagbigay inspirasyon para sa mga Pilipino larangan ng business, entertainment, broadcast at land development industry.

Ngayong taon, halos hindi na rin mabilang ang mga pagkilalang tinanggap ng programang PaTalk mula sa malalaki at prestehiyusong award giving bodies sa bansa.

Patuloy namang magbibigay ng de kalidad na serbisyo ang naturang programa para sa mga consumers, manunuod at mga negosyanteng Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble