Programang PaTalk ng DZAR Sonshine Radio, umani ng parangal mula sa World Class Global Awards 2024

Programang PaTalk ng DZAR Sonshine Radio, umani ng parangal mula sa World Class Global Awards 2024

ISA nanamang pagkilala ang tinanggap ng programang PaTalk ng DZAR Sonshine Radio sa ginanap na World Class Global Awards 2024 sa Pasay City.

Nakuha nito ang outstanding business program in radio.

Ayon sa organizer, malaking inspirasyon sa larangan ng pagnenegosyo ang programang PaTalk partikular na sa mga MSMES na maipakilala ang mga negosyo nito sa Pilipinas at maging sa ibayong dagat.

Ilan taon na ring naging kapartner ang PaTalk sa mga nagsisimula palang sa pagnenegosyo at maging sa mga korporasyon na kinikilala ng mga consumer dahil sa mga de-kalidad nitong serbisyo at produkto.

Bukod sa PaTalk, kinilala rin ang iba’t ibang indibidwal, sektor at korporasyon na nagbigay inspirasyon para sa mga Pilipino sa larangan ng business, entertainment, broadcast at land development industry.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble