Progressive oppression, ginagawa kay VP Sara Duterte at Pastor Apollo C. Quiboloy—Atty. Trixie

Progressive oppression, ginagawa kay VP Sara Duterte at Pastor Apollo C. Quiboloy—Atty. Trixie

MAY pattern ng panggigipit na nakikita si Former Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles laban sa ilang prominenteng personalidad sa bansa.

“‘Yung panggigipit, a pattern of oppression and a pattern of retaliation,” saad ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, Former Press Secretary.

‘Yan aniya ang umiiral sa Pilipinas ngayon sa ilalim ng Marcos Jr. administration.

Literal na kabaliktaran sa campaign promise ni Marcos Jr. na ‘UNITY’ o PAGKAKAISA.

Ayon kay Atty. Trixie, hindi mga kalaban noong eleksiyon ang hinahabol ngayon ni Junior.

Kundi mismong mga kilala o prominenteng personalidad na tumulong sa kaniya na makuha ang pagka-pangulo ng Pilipinas.

“Pagdating kay VP Inday ano ‘yung retaliation? It’s really oppression—a progressive oppression,” giit ni Atty. Trixie.

Kung nagawa niya sa kaniyang dating ka-tandem sa UniTeam ticket na si VP Sara, naggawa rin ito ni Marcos Jr. sa kaalyado ng bise na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Dahil kay VP, sumuporta kay Marcos Jr. si Pastor Apollo.

Binigyan ito ng respeto ng Butihing Pastor noong mga panahong kalaban ito ng lahat ng media network matapos padaluhin sa pinakamagandang electoral debates sa Pilipinas—ang SMNI Presidential debates.

“Gayon din naman sa iba like with Pastor Quiboloy. It was like progressive oppression. Wala namang ginagawa si Pastor para mag merit ng kahit anong ganitong klaseng aksyon sa kaniya na ‘yung mga dismissed cases biglang nabubuhay di ba? Resurrection kaagad!” dagdag nito.

Sa column ng beteranong kolumnista at dating Philippine envoy na si Rigoberto Tiglao, nakikita nito na traydor ang tingin ng publiko kay Marcos Jr.

Isa sa mga kinamumuhiang ugali ng mga Pilipino.

“Filipinos know this. Therefore, they see Marcos as a traitor who—without provocation from Sara—went against her, first by removing as House Speaker Former President Gloria Macapagal Arroyo, who had been her political adviser, closing the SMNI media that had been supportive of Duterte, and then weaponizing the House to go after her and her father,” ayon kay Rigoberto Tiglao, Dating Philippine Envoy.

“Tapos with VP Inday, wala namang reason para siya ay imbestigahan and then may imbento na naman na mga paper trail kunyari.”

“Suddenly natanggalan ng prangkisa ang SMNI, suddenly the Vice President has to defend confidential funds na never before dinadala sa Kongreso para kwestyunin,” ayon pa kay Atty. Trixie.

Sa kaniyang huling pahayag, never say never daw si Marcos Jr. sa tanong kung magkakabati pa ba sila ng bise.

Ngunit para kay Atty. Cruz-Angeles, alam ng Pangulo ang pinagdadaanan ni VP Sara sa isyu ng confidential funds.

Ang pondong hinugot mula sa tanggapan ng Pangulo.

“Nakikita niyo diyan that in the progressive years, the President was well aware of the budget that the Vice President was getting. Not only that, they know how she used it in 2022—bakit surprised attack? Kinukuwestyon nila later on,” ani Atty. Trixie.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble