Proklamasyon ni Joey Uy, ipinawalang bisa ng COMELEC En Banc; Benny Abante, itinakdang ipoproklama

Proklamasyon ni Joey Uy, ipinawalang bisa ng COMELEC En Banc; Benny Abante, itinakdang ipoproklama

IPINAWALANG bisa ng Commission on Elections En Banc ang proklamasyon ni Joey Chua Uy bilang kinatawan ng ika-anim na distrito ng Maynila, kasunod ng pagbasura sa kanyang inihaing motion for reconsideration.

Kinumpirma ng COMELEC na naturalized Filipino citizen lamang si Uy, at hindi natural-born Filipino—isang pangunahing kwalipikasyon para sa pagtakbo bilang kongresista.

Sa inilabas na desisyon, binigyang-diin ng COMELEC na si Uy ay isinilang noong March 15, 1962, sa isang Chinese national na ama, kaya’t hindi siya awtomatikong nakakuha ng Filipino citizenship sa kanyang kapanganakan.

Nabanggit din sa dokumento na nawalan ng Filipino citizenship ang ina ni Uy nang ikasal ito sa isang dayuhan. Samantala, ang ama ni Uy ay naging naturalized Filipino lamang noong August 28, 1967—o limang taon matapos siyang ipanganak.

Dahil dito, ibinasura ng COMELEC En Banc ang kanyang kandidatura at opisyal na ipinawalang bisa ang kanyang naunang proklamasyon.

Ang kaniyang kalaban sa halalan, si dating Congressman Benny Abante, ang itinalagang kwalipikadong kandidato at siya na ngayon ang itinuturing na duly elected representative ng distrito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble