Promosyon ng 33 AFP Senior Officers, inaprubahan ng CA

Promosyon ng 33 AFP Senior Officers, inaprubahan ng CA

INAPRUBAHAN ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim promotion ng 33 military officers sa ginanap na plenary session and deliberation sa Pasay City nitong Mayo 21, 2024.

Ang mga appointees ay binubuo ng isang Lieutenant General, isang Major General, tatlong Brigadier Generals, at 28 Colonels/ Navy Captains.

Ang nasabing batch ng mga senior officer ay pinangunahan ni LtGen. Facundo O Palafox IV, na siya ring bagong talagang Commander ng Southern Luzon Command ng AFP.

Ang kumpirmasyon ng mga bagong opisyal ay isang patunay sa epektibong pagpapatupad ng merito sa loob ng militar na nagpapakita ng tamang pagpili ng mga sundalong may kakayahang maging lider na naaayon sa kakayahan at karakter ng isang sundalo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble