Properties ng KOJC, pinangangambahang kunin ng pamahalaan—Legal Counsel

Properties ng KOJC, pinangangambahang kunin ng pamahalaan—Legal Counsel

MALAKI ang posibilidad na kunin ng gobyerno ang mga property ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) kahit hindi ito kasama sa mga imbentong akusasyon na ibinabato kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sa isang press conference sa Davao City ay ipinaliwanag ng KOJC legal counsel na si Atty. Israelito Torreon kung paano ito mangyayari.

Sabi ni Torreon, ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng anti-money laundering provision sa matagal nang nadismiss na kaso laban kay Pastor Apollo.

“Eh paano po ang kaso na originally nag-originate ng rape. Eh pertaining to anti-money laundering, with provision on criminal forfeiture order which states that the prosecution will proceed against the subject of the crime, the fruits or any property used as a means of committing the crime, and all the assets and properties of the accused either personally owned by him or held by him or in the name of other person if the same shall be found to be manifestly disproportionate to their lawful income,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sakaling lumusot, nakikita ni Atty. Torreon ang issuance ng Asset Protection Order (APO).

“So, what does this mean? This means that the prosecution may move later on for APO or Asset Protection Order so that the prosecution will be empowered now to pinpoint any of the properties and request the Court to issue an order to cease the property. Eh kung gagawin itong Kingdome, ay pagmamay-ari ni Pastor and then they will provide evidences, hindi naman kay Pastor ‘yun nakapangalan, sa Kingdom of Jesus Christ naman ‘yun which enjoys a personality, distinct and separate from Pastor Apollo C. Quiboloy,” giit ni Torreon.

Bilang protesta sa nakaambang hakbang ng gobyerno ay walang tigil ang pagbabantay ngayon sa mga ari-arian ng simbahan.

Mga pag-aaring ipinundar sa pamamagitan ng dugo, pawis at luha ng bawat miyembro’t manggagawa ng KOJC sa pangunguna ni Pastor Apollo.

“So, there is really this danger that the properties of the Kingdom may be subject to criminal forfeiture orders later on in the light of the physiology of the information filed before RTC Branch 159 Pasig City,” ani Torreon.

Diin din ni Torreon – walang karapatan ang estado sa mga property ng simbahan dahil ni isang kusing ay walang ambag ang gobyerno para ipatayo ang mga ito.

“Una, balikan ko lang ‘yung plano nilang kunin pala ang mga Kingdom properties. Ang Kingdom Nation po at si Pastor Quiboloy, ni-isang sentimo po, wala po kaming ninakaw sa inyo. Kayo po ang nasa gobyerno, ang mga magnanakaw. Ni isang kusing, ang Kingdom Nation at si Pastor Apollo C. Quiboloy, wala po kaming ninakaw sa inyo at ngayon kukunin niyo ang mga Kingdom properties. Dugo, pawis, luha po ang ininvest namin, binuhos po namin dito para sa mga Kingdom properties, buong sanlibutan ito and because of your evil and envious eyes kukunin niyo sa amin. Hindi po puwede ‘yan,” ayon kay Carlo Catiil, Kingdom Minister.

Paglilipat ng hurisdiksiyon ng kaso ni Pastor ACQ sa Pasig, pinuna ng KOJC Legal Team

Samantala, bukod sa matagal nang dismissable ang mga kaso ni Pastor Apollo sa Davao Regional Trial Court (RTC) ay pinuna ng legal team nito ang paglilipat ng hurisdiksiyon sa kaso.

Saad ni Atty. Torreon, bukod sa binuhay na kaso at nakaambang property forfeiture ay pinalipat sa Pasig RTC ang pagdinig sa mga ito.

“At ang ginawa pa, naging 2 pa ‘yung kaso na-split pa. Eh, if you will read the resolution of the Department of Justice, the penalty made portion thereof. The Department of Justice actually ordered the City Prosecution of Davao to file the appropriate information, wala pong s, in court. So, ang City Prosecution of Davao is directed to file information in court in Pasig and all law students would know that the City Prosecutor of Davao cannot file an information in Pasig because the City Prosecutor in Davao has no jurisdiction for crimes committed in Pasig,” giit ni Torreon.

Si Torreon ay kasalukuyang dean ng JMCFI College of Law.

At ang pag-aaral sa hurisdiksiyon ng mga kaso ay basic sa mga kumukuha ng abogasya.

“The preliminary investigation if a crime was committed in Pasig should have been conducted in Pasig, basic po ‘yan eh. Criminal procedure ‘yan sa lahat ng 1st year po ng law kaya po lumilipad po ang batas dito,” ani Torreon.

Sa ngayon, nakabinbin pa sa korte ang lahat ng legal remedy sa mga gawang reklamo laban kay Pastor Apollo.

At ang malinaw, wala pang hatol o pinal na pasya sa mga ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble