Proseso ng pagpapalaya sa mga kwalipikadong preso sa BuCor, nagpapatuloy

Proseso ng pagpapalaya sa mga kwalipikadong preso sa BuCor, nagpapatuloy

KASABAY ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ay 126 naman na mga persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ng Department of Justice (DOJ) at ng Bureau of Corrections (BuCor), bilang bahagi ng decongestion program.

Ang naturang programa na may temang “Mga Repormasyong Binigay, Natutuna’y Kaalaman Tungo sa Pagbabagong Buhay” para bigyang pagkakataon ang mga bilanggo na makapag-bagong buhay sa malayang komunidad.

Nilinaw naman ng DOJ at ng BuCor na ito ay magsisilbing paalala sa lahat ng mga bilanggo na mayroon pang positibo at ikalawang pagkakataon sa buhay.

Kaugnay niyan ay pinuri ng DOJ si BuCor Director Gregorio Catapang Jr. dahil sa dedikasyon nito sa trabaho para makapagbigay ng positibong epekto sa Corrections System sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble