Proteksiyon para sa mga whistleblower, ipinapanukala ni Pastor ACQ

Proteksiyon para sa mga whistleblower, ipinapanukala ni Pastor ACQ

NAIS na isabatas ng tumatakbong senador na si Pastor Apollo C. Quiboloy ang Whistleblower Protection Act upang magbigay proteksiyon at insentibo sa mga indibidwal na nagbubunyag ng katiwalian at ilegal na gawain sa loob ng mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor.

Layunin ng panukalang batas na hindi maging biktima ng pang-aabuso, pagbabanta o anumang uri ng paghihiganti ang mga whistleblower mula sa mga taong sangkot sa krimen na isiniwalat nila.

Sa kasalukuyang batas kasi na RA No. 6770 o Ombudsman Act, limitado lang ang ibinibigay na proteksiyon sa mga indibidwal na nagbubunyag ng katiwalian.

“Ito nga si whistleblower natin na protection, bibigyan din natin siya ng protection ‘pag may matanggap tayo na report so si Truth Commission ang mag-i-investigate at mag po-prosecute, so at least hindi bias for example ang problem is sa funds sa DPWH, so sino ‘yung pinaka fit talaga ‘yung mga engineers, ‘yung mga architects ‘yung mga contractors mga tax payers kasi, sila ang may pinaka may alam kung paano ginagastos kung ano talaga ang tamang presyo, para sa ganitong proyekto standard ba o substandard ba ang ginawa, so ganun po ang gagawin ni Pastor,” pahayag ni Atty. Kaye Laurente, Spokesperson, Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy

Dagdag pa ni Atty. Laurente, mahalagang maprotektahan ang mga whistleblower sa mga confidential na mga usapin.

Sa ibang bansa tulad ng Estados Unidos, umiiral din ang ganitong uri ng batas, mayroon silang Whistle Blower Protection Act na nagpoprotekta sa mga kawani ng gobyerno na nag-uulat ng korapsiyon. Nagbibigay rin sila ng insentibo tulad ng monetary awards.

Maging sa European Union, mayroon silang EU Whistleblower Protection Directive na nagbabawal sa retaliation, tulad ng pagtanggal sa trabaho, demotion o harassment.

Nais ng Butihing Pastor na maipatupad ang panukalang ito upang maisiwalat ang mga nakaupong nagnanakaw sa kaban ng bayan, at matuldukan ang korapsiyon sa pamahalaan.

Pagtataas ng sahod sa judiciary, prayoridad ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Senado

Bukod rito, nais din isulong ni Pastor Apollo ang pagtaas ng sahod ng mga hukom upang mabigyan sila ng sapat na proteksiyon tulad ng pagkakaroon ng security guards at masiguro ang kanilang kalayaan mula sa anumang impluwensiya ng politika.

“I pu-push talaga ni Pastor, ang increase of salaries of judges not just increase hindi pa enough na maging increase ang salary, even institutionalize ‘yung salary ng judges na hindi na pakikialaman ng mga congressman lalong-lalo na sa may GAA, syempre may GAA sila ang mag a approve ang Congress so kailangan mo talagang i-consider ‘yung mga congressman hindi na pwedeng ganun, kasi institutionalize na tsaka increase pa ‘yung salary ng judges, pero magiging independent sila without any political interference, talagang meron talagang justice and order that will prevail in the country,” dagdag ni Laurente.

Ang mga panukalang batas na ito ay bahagi lamang ng plataporma ni Pastor Apollo na zero-corruption.

Ayon sa Butihing Pastor, hindi imposible ang ganitong mga reporma dahil may resibo na ang Butihing Pastor sa kaniyang pamamahala sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Nais ni Pastor Apollo na pahalagahan ang proteksiyon ng bawat mamamayang Pilipino ‘di lang sa publiko kundi maging sa pribadong sektor na ang nais ay maging totoo sa paglilingkod at pagseserbisyo sa bayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble