Proteksyon ng mga media personality, tiniyak ni Roque

Proteksyon ng mga media personality, tiniyak ni Roque

TITIYAKIN ni senatorial candidate Harry Roque na bibigyan niya ng proteksyon ang mga media personality na tinatakot dahil sa kanilang trabaho.

Ani Roque, ihahain niya muli ang panukala kung saan mabibigyan ng proteksyon ang isang media personality gaya ng isang testigo.

Ito ay ang House Bill No. 913 o ang “Journalist Protection, Security, and Benefits Act”.

Sa ilalim ng panukalang ito, mabibigyan ang mga ito ng secure housing facility para sa mga mamamahayag hanggang sa matapos ang pagbabanta.

Samantala, kung hindi pinalad at napatay sa ilalim ng proteksyon ng gobyerno, maaaring makatanggap ng hindi bababa sa P500,000 ang mga kaanak ng biktima para sa libing nito.

Samantala, ang mga anak ng biktima ay makatatanggap ng libreng edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo.

 

Follow SMNI News on Twitter