Proteksyon para sa media men, pinapasali ni Egco sa panukala ni Sen. Padilla

Proteksyon para sa media men, pinapasali ni Egco sa panukala ni Sen. Padilla

HINIKAYAT ni Joel Sy Egco, ang unang executive director ng  Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) at former National Press Club president si Senador Robin Padilla na isali ang media workers sa kanyang panukala.

Magugunitang isinusulong ngayon ni Sen. Padilla ang panukala para sa karagdagang proteksyon para sa mga manggagawa at aktor sa entertainment industry.

Ito ay nakasaad sa Senate Bill No. 450 o “Eddie Garcia Law” bilang tribute sa late veteran actor na makatitiyak para sa proteksyon at benepisyo ng mga manggagawa sa show business.

Ani Padilla, ito ay tugon sa panawagan ng mga miyembro ng television and movie industry para magbigay ang gobyerno ng guidelines para sa mas ligtas at maayos na working conditions at para sa proteksyon at kapakanan ng mga manggagawa sa industriya.

Samantala, nais ni Egco na isali ang mga media worker kapareho ng House Bill 304, o Media Workers Welfare Act na inihain ni Camarines Sur Representatives Luis Raymund Villafuerte, Miguel Luis Villafuerte at Tsuyoshi Anthony Horibata, at Bicol Saro Party-list Representative Nicolas Enciso.

Follow SMNI NEWS in Twitter