Gagawing simple ng Department of Agriculture (DA) ang mga protocol na may kaugnayan sa pagtugon sa African Swine Fever (ASF).
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na nakatakda nilang ilabas sa susunod na taon ang mga bagong protocol kaugnay sa naturang sakit sa mga baboy.
Sa ilalim ng bagong polisiya, nais ng DA na tanggalin ang ASF color coding o ‘yung mga umiiral na red, pink at yellow zones.
Ang mga color codes na ito ang siyang basehan ngayon ng DA para matukoy ang mga barangay at probinsya na may ASF cases.
Dagdag pa ng kalihim, gusto niyang gawing simple ang protocols para maunawaan ito ng mga ordinaryong Pilipino, sa pamamagitan ng pag-categorize sa mga ito bilang ‘ASF free’ at ‘infected’.
‘’Well, may stigma na nga kasi ang dating policy sa red kapag red ka ay hindi ka na puwedeng mag-export diba. Kailangan mo ng mag-cull kung mayroon kang farm 1 kilometer radius kailangan mong patayin lahat,’’ ayon kay Sec. Francisco Tiu Laurel, Jr.