Proyekto ng BBB, triple ang tagumpay kumpara noong nakaraang administrasyon

TULOY-tuloy ang pagtatrabaho ng gobyerno upang mapaganda ang  proyekto ng imprastraktura sa ilalim ng Build Build Build (BBB) Program ng Administrasyong Duterte kahit may banta ng COVID-19 pandemic.

Sa Talk to the People Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, iniulat ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang project accomplishments ng BBB program.

Ayon kay Villar, halos triple ang tagumpay ng proyekto ng BBB simula 2016-2020, kung ikumpara noong 2011-2015.

Mula July 2016 hanggang December 2020 ay mayroon ng 10,376 flood mitigation structures, 26, 949 kilometers road constructed, 5,555 bridges ang nagawa.

Dagdag pa ni Villar, nasa 144,925 na mga classrooms ang naitayo sa kasalukuyang administrasyon; 2, 036 school workshop building at school facilities.

Mayroon ding 187 evacuation centers ang naitayo na isa sa mga masterplan ng pangulo upang magkaroon ng evacuation centers ang lahat ng rehiyon.

Habang 130 evacuation centers ang patuloy pang ginagawa.

Dagdag nito, halos lahat ng evacuation centers ay ginagamit na bilang COVID-19 quarantine na isa sa pinakamalaking bagay at napapakinabangan na sa buong bansa.

Bukod dito, kasalukuyan nang dinadaanan ng mga motorista ang Metro Manila Skyway Stage 3 na bahagi ng EDSA decongestion program ng gobyerno na mayroong 18.83-kilometer elevated expressway.

Sa susunod na linggo ay iinspeksyunin na rin ng DPWH ang Nagtahan Ramp Exit na additional exit ng Makati Skyway Stage 3.

(BASAHIN: DPWH, nag-hire ng karagdagang 1,013 na mga inhenyero sa ilalim ng BBB Program)

SMNI NEWS