KINUMPIRMA ni Senator Bong Go ang pahayag ni Davao City Mayor at vice presidential candidate Inday Sara Duterte kaugnay sa pagkikita nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kay presidential candidate frontrunner Bongbong Marcos.
Ayon kay Go, nitong weekend nagkita ang dalawa sa Bahay Pagbabago kung saan inilarawan ng senador na maganda ang naging atmosphere ng kanilang pag-uusap.
Aniya , nagbigay pa ng payo ang chief executive sa frontrunner na si BBM kaugnay sa mga karanasan nito bilang presidente.
Dagdag ni Sen. Go, ang mga party leader ng PDP ang siyang gumawa ng paraan para magkita at magkausap sina Pangulong Duterte at BBM.
Iginiit ni Sen. Go na isang party decision ang ginawang pag-endorso ng ruling party PDP-Laban kay BBM.
PRRD, ipinag-utos ang adoption ng 10-point policy agenda para sa mabilis na economic recovery
Ipinag-utos na ni Pangulong Duterte ang adoption ng 10-point policy agenda.
Ito ay para mapabilis at maipagpatuloy ang economic recovery ng bansa sa pamamagitan ng whole-of-government approach.
Sa ilalim ng Executive Order No. 166 na nilagdaan ng Pangulo noong Marso 21, ang ten-point agenda on economic recovery ay ang mga sumusunod:
- Strengthen healthcare capacity.
- Accelerate and expand the vaccination program.
- The further reopening of the economy and expanding public transport capacity.
- Resume face-to-face learning.
- Reduce restrictions on domestic travel and standardize LGU requirements.
- Relax requirements for international travel.
- Accelerate digital transformation through legislative measures.
- Provide for enhanced and flexible emergency measures through legislation.
- Shift the focus of decision-making and government reporting to more useful empowering metrics.
- Medium-term preparation for pandemic resilience.
Inatasan ni Pangulong Duterte ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at National Task Force against COVID-19 na tiyakin ang maayos na pagpatutupad ng 10-point agenda sa pakikipag-ugnayan na rin sa economic cluster ng gobyerno.
Samantala, babantayan naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagsunod ng mga kinauukulang ahensya at siyang mag-uulat sa Pangulo.