PRRD hanga sa ganda ng Manila Bay dolomite beach

PRRD hanga sa ganda ng Manila Bay dolomite beach

“WHAT is beautiful is beautiful, period.  Dolomite is beautiful  to the eyes,  period.”

Ito ang makabighaning pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to The People noong Huwebes ng gabi.

Dinepensahan ni Pangulong Duterte ang pagsusumikap ni DENR Secretary Roy Cimatu na mapanumbalik ang ganda ng madumi at nasirang baybayin ng Maynila.

Saad ng Pangulo, sa kabila ng pagsisikap ng DENR na pagandahin ang lugar ay marami pa rin aniya ang mga pambabatikos at pamumuna ng publiko sa dolomite rocks na itinambak sa baybayin.

“For so many years, you had every chance to do it. Was there anybody willing to take the problem by its horns? Si Cimatu lang. Eh ‘di magpasalamat tayo,” ani PRRD.

Pinasimulan noong nakaraang taon ang Manila Bay Rehabilitation Project na nagkakahalaga ng P389 million at P28 million para sa pagtatambak ng artificial white sand sa dalampasigan ng Manila Bay.

Bukod sa pagtatambak ng dolomite, nais din ng DENR na ma-restore ang water quality ng dagat sa pamamagitan ng clean-up drive sa mga esteros.

Samantala, ani Pangulong Duterte na sa susunod na termino hindi na aniya siya ang namamahala, ngunit kinakailangan aniya ng Martial Law powers ng susunod na presidente ng bansa upang maipagpatuloy ang magagandang layunin.

 

SMNI NEWS