HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Local Government Unit (LGU) na magpasa ng ordinansang magbabawal sa mga bata edad 12 pababa na makapasok sa mall.
Kasunod ng ulat na may dalawang taong gulang na bata ang nagpositibo sa COVID-19 hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga lokal na pamahalaan na magpasa ng ordinansang magbabawal ukol sa age restriction ng mga menor de edad na maaari lamang pumasok sa mga mall.
Kaugnay nito ay pag-aaralan muli ng Metro Manila Council ang polisiya hinggil sa pagpasok ng mga bata sa mga 3C’s o closed, crowded, closed-contact areas.
Pinaalahanan din ni Pangulong Duterte ang mga magulang na iwasan munang dalhin sa matataong lugar ang mga bata lalo’t hindi pa bakunado ang mga ito bilang pag-iingat sa posibleng pagkahawa sa COVID-19 ng mga bata matapos magpositibo sa virus ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi na dapat payagan ang mga nasabing edad na pumasok sa mga mall dahil sa banta sa kanilang kalusugan.
Rekomendasyon ngayon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na layong maprotektahan ang mga kabataan na hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.