PRRD, malabo maging drug czar—Atty. Roque

PRRD, malabo maging drug czar—Atty. Roque

MUKHANG malabo na maging drug czar si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa kaniyang programa sa SMNI News, sinabi ni Atty. Harry Roque na ito’y dahil magkaiba ang istilo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at dating Pangulong Duterte sa illegal drug war campaign.

Nakikita rin ni Roque na ayaw naman ni dating Pangulong Duterte na umupo muli sa anumang posisyon sa gobyerno.

Sa kabila ito ng sinasabi ni FPRRD na medyo nabo-bored siya dahil hindi na ito kasing busy noong nanunungkulan ito para sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter