PRRD, nanawagan sa publiko na huwag mag-hoard ng paracetamol

PRRD, nanawagan sa publiko na huwag mag-hoard ng paracetamol

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na huwag mag-hoard ng mga gamot ngayong panahon ng krisis.

Ginawa ng Pangulo ang panawagan matapos magkaroon ng ‘stock out’ sa supply ng paracetamol na karaniwang panggamot sa lagnat.

Nagresulta ito ng mahabang pila sa mga parmasya sa Metro Manila.

Apela ng Pangulo, bumili lamang ng naaayon sa pangangailangan.

“At kung ‘yung iba nagbibili ng medisina, do not, you know, buy sosobra-sobra. Huwag mong ramihan kasi ‘yang paracetamol is being used by almost everybody who are sick, and there are a plenty of Filipinos who would need it,” pahayag ni Duterte.

Nauna nang sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na nagkaroon talaga ng ‘stock out’ ng paracetamol matapos tumaas ang suplay nitong new year.

“Pero pinaalala po natin na may mga iba pang brands. Ang una hong naubos ‘yung mga top brands. Siguro banggitin na natin ‘yung mga Biogesic, ‘yung mga ganoong klase in demand eh. So una hong naubos ‘yun at ‘yung mga iba pang brand. Pero sinasabi natin may iba pang brand, mayroon ding mga generics at ito ay available,” ayon kay Lopez.

“Kindly, most kindly be considerate and do not buy more than what you need. Walang — tutal ‘yung ano is we are just asking — ‘yung mga kompanya they are asking for time to make the inventory again. Naga — nagbibigay sila. Sabi ng mga drug companies walang problema iyong paracetamol is available. There’s enough supply for everybody,” ani Duterte.

SMNI NEWS