PRRD, pinangunahan ang 43rd Commencement Exercises ng PNPA

PRRD, pinangunahan ang 43rd Commencement Exercises ng PNPA

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ika-43 Commencement Exercises ng Philippine National Police Academy (PNPA) for Bachelor of Science in Public Safety (BSPS) ‘Alab-Kalis’ Class of 2022.

Ginanap ang naturang event sa Camp General Mariano N. Castañeda sa Silang, Cavite nitong Abril 21, 2022.

Mayroong 229 graduating cadets ang Alab-Kalis o ‘Alagad ng Batas na Kakalinga sa Sinilangang Bayan’.

Sa naturang bilang, 206 ang papasok sa Philippine National Police (PNP), 12 sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at 11 ang lalahok sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Si Police Cadet Ernie Padernilla, na nagmula sa Passi City, Iloilo, ang siyang Class Valedictorian ng PNPA Commencement Exercises ngayong taon.

Follow SMNI News on Twitter