PRRD, umaasa na magiging magaling sa lahat ng aspeto ang susunod na administrasyon

PRRD, umaasa na magiging magaling sa lahat ng aspeto ang susunod na administrasyon

UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magiging magaling sa paghahanap ng solusyon sa mga suliranin ng bansa ang susunod na administrasyon.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita sa mga biktima ng Bagyong Agaton sa Pontevedra Elementary School Evacuation Center sa Pontevedra, Capiz.

Nais din ni Pangulong Duterte na ipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang kanyang kampanya kontra iligal na droga at rebeldeng komunista.

Tiniyak naman ng Pangulo na itutuloy nito ang kanyang laban kontra iligal na droga at komunista hanggang matapos ang kanyang termino sa ika-30 ng Hunyo.

Muli ring nanawagan si Pangulong Duterte sa mga rebelde na sumuko na sa gobyerno sabay tiniyak na magbibigay ito ng tulong.

Samantala, tuloy pa rin ang pagbabanta ni Pangulong Duterte sa mga nagpapalaganap ng droga sa bansa na ihinto na dahil patuloy itong hahabulin ng awtoridad.

BASAHIN: Marcoleta, inendorso ni PRRD dahil hindi takot sa mga oligarko; investments at imprastraktura, isusulong sa Senado

Follow SMNI NEWS in Twitter