PS-DBM, ipinabubuwag ni Senator  Imee Marcos

PS-DBM, ipinabubuwag ni Senator Imee Marcos

IPINABUBUWAG na ni Senator Imee Marcos ang Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) dahil sa isyu ng korapsyon.

Sa isang Senate Bill na inihain ni Marcos, sinabi nito na hindi na relevant o may kaugnayan sa kasalukuyang panahon ang mandato ng PS-DBM noong 1987 Constitution at Republic Act No. 9184 o Government Procurement Reform Act.

Matatandaan na nitong August 2021 lang ay iniimbestigahan ang umano’y transfer of budget ng Department of Health sa PS-DBM para ibili ng umano’y overpriced face shield, face mask, PPEs at iba pa na may kaugnayan sa pandemya nagkakahalaga ito ng P42 bilyon.

Dito, naniniwala si Senator Marcos, mukhang naging breeding ground na ng korapsyon ang PS-DBM.

 

SMNI NEWS