PS-DBM, pinabubuwag ni Sen. Tolentino

PS-DBM, pinabubuwag ni Sen. Tolentino

ISANG panukalang batas na layon tuluyang buwagin ang Procurement Service of the Department of Management and Management (PS-DBM) ang inihain kamakailan ni Senator Francis “Tol” N. Tolentino.

“All procurement of goods, including common-use supplies, materials and equipment, and infrastructure projects shall henceforth be undertaken by the respective departments, bureaus, offices, agencies, state universities and colleges, government-owned and / or -controlled corporations, and local government units,” nakasaad sa SB 1802.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1802, nakasaad sa panukala na bukod sa tuluyang pagbuwag sa PS-DBM, laman din nito na ang lahat ng bidding para procurement of goods—kabilang na ang mga common-use supplies, materials and equipment, at maging ang mga infrastructure projects—ay kanya-kanya nang gagawin ng bawat departamento, ahensya, at sangay ng pamahalaan.

Sa kanyang explanatory note, isinaad ni Tolentino na chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga natuklasan ng Commission on Audit (COA) sa nakalipas na mga taon, kung saan lumalabas kung paano naging agrabyado at dehado ang mga ahensya ng pamahalaan sa mga bidding na dinaan sa PS-DBM.

Kabilang sa mga pinuna dati ng mga state auditors ay ang “unexpended/unutilized” fund transfers na aabot sa P1.976 bilyon mula sa Department of Health na orihinal na nakalaan upang ipambili ng mga supplies at iba pang kagamitan noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinabalik sa National Treasury kahit lipas na sa itinakdang petsa sa ilalim ng batas.

Pinuna rin ng COA ang maanomalyang pagbili ng Department of Education (DepEd) ng mga overpriced subalit outdated laptops para sa mga guro sa pampublikong paaralan—kung saan ang bidding process nito ay dumaan din sa nabanggit na kontrobersyal na ahensya.

“The agency has, for several years already, been tainted with controversies in the performance of its mandate,” ani Sen. Francis Tolentino.

Noong isang linggo, inirekomenda ng Blue Ribbon Committee sa isinumite nitong committee report ang tuluyang pagbuwag sa PS-DBM at hinimok ang bawat ahensya ng pamahalaan na magsagawa na lamang ng kanya-kanyang hiwalay na mga bidding sa kanilang procurement process upang masiguro na bukod sa transparent ay may mga mananagot kung sakaling mabalot ng katiwalian ang proseso.

Samantala, isa pang hiwalay na panukalang batas ang inihain din ni Tolentino na layon naming susugan ang Republic Act No. 9184 o ang Government Procurement Reform Act upang magkaroon ng mas mahigpit na pamantayan ang kwalipikasyon ng mga bidders sa pamahalaan.

Giit ni Tolentino, bagamat pinapayagan ng batas ang isang ‘joint venture’ sa mga proyekto ng pamahalaan, walang malinaw na requisitos para sa kwalipikasyon ng isang ‘joint venture’ bilang isang bidder maliban na lamang sa nakasaad sa nakalatag na implementing rules and regulations (IRR)—kung saan ang mga kasali sa isang joint venture ay pinamamahalaan sa ilalim ng isang Joint Venture Agreement (JVA).

“This was the case in the laptop procurement project conducted by the Procurement Service Department of Budget and Management for the Department of Education (DepEd) which was flagged by the Commission on Audit for being overpriced,” dagdag ni Tolentino.

Halimbawa rito ani Tolentino ay ang laptop procurement project na isinagawa ng PS-DBM at DepEd na nagbabala ang COA dahil sa pagiging overpriced.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter