PS-DBM, sinuspinde ang pagbili ng Non-Common Use Supplies and Equipment

PS-DBM, sinuspinde ang pagbili ng Non-Common Use Supplies and Equipment

SINUSPINDE ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) ang pagbili ng Non-Common Use Supplies and Equipment (NCSE) para sa mga ahensya ng gobyerno.

Naglabas ng abiso ang PS-DBM matapos sitahin ng Commission on Audit (COA) ang pagbili ng mga overpriced na laptop para sa Department of Education (DepEd).

Sa isang pahayag, sinabi PS-DBM Executive Director Dennis Santiago na nag-isyu siya ng direktiba na suspendihin ang procurement ng NCSE, effective immediately.

Sa panahon ng suspensyon, hindi tatanggap ang PS-DBM ng bagong requests para sa NCSE procurement hanggang sa susunod na abiso.

Habang tatapusin naman ang procurement ng NCSE na nasa pipeline.

Sinabi ng PS-DBM na ang suspensyon ay magbibigay-daan sa kanila na magpokus sa pagtupad sa kanilang pangunahing mandato na bumili ng Common-Use Supplies and Equipment (CSE).

Follow SMNI NEWS in Twitter