PSA itinurong pasimuno sa P64 bawat araw na ‘food poor’ threshold ng NEDA

PSA itinurong pasimuno sa P64 bawat araw na ‘food poor’ threshold ng NEDA

TANGING Philippine Statistics Authority (PSA) lang ang nagtakda ng kontrobersiyal na P64 bawat araw na ‘food poor’ threshold.

Ito ang binigyang-diin ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI).

Sa kanilang pahayag, tanging role ng FNRI ang magbigay ng formula sa nutritional value ng mga food product na makapagbibigay ng sapat na sustansiya bawat araw.

Nauna nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang Department of Health (DOH) at FNRI ang nagdetermina kung ano ang bubuo sa isang makatwirang food basket kung saan naaabot ang kinakailangan at sapat na calorie requirement.

Matatandaan na noong Agosto, sinabi ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na nasa P9,581 ang monthly food threshold ng isang pamilya na binubuo ng limang myembro.

Katumbas nga ito ng P64 per day na meal budget bawat isang tao at kung meron kang ganitong budget, hindi ka na maituturing na mahirap.

Subalit sa mataas na presyo ng bilihin, halos lahat ng mga Pilipino ay hindi sang-ayon dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble