PSC, hindi pababayaan ang Natl Boxing Team sa Paris Olympics

PSC, hindi pababayaan ang Natl Boxing Team sa Paris Olympics

SIGURADONG-sigurado ang suportang ipapakita ng Philippine Sports Commission (PSC) sa National Boxing Team para sa 2024 Paris Olympics.

Ayon kay PSC Chairman Noli Eala, para maisakatuparan ito, posibleng magtatayo sila ng team na binubuo ng coaches at sports science experts sa susunod na taon para mas matutukan ang training ng national boxers at sa kanilang international exposure.

Ibinahagi naman ni ABAP President Ed Picson, na maganda ang pasilidad ng national boxers sa Baguio at pinapasalamatan nila ang PSC dito.

Sa ngayon ay magkakaroon ng early holiday break ang national boxing team pagkatapos ng kanilang sasalihang kompetisyon sa Amman, Jordan.

Babalik ang kanilang training sa Disyembre 4.

Follow SMNI News on Twitter