PSC, target na magkaroon ng magandang relasyon sa pagitan ng POC

PSC, target na magkaroon ng magandang relasyon sa pagitan ng POC

TARGET ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann na magkaroon ng magandang relasyon ang PSC at Philippine Olympic Committee (POC) na pinamumunuan ni Rep. Bambol Tolentino.

Lalo na aniya at maraming inihahanda ang mga manlalarong Pilipino ngayong taon para sa iba’t ibang multi-sport events.

Ayon kay Bachmann, nais nyang naka-align ang mission at vision ng POC at PSC para sa mga atleta.

Ang Pilipinas ay sasabak sa 2023 Southeast Asian Games sa Cambodia ngayong May 5-17, 2023.

Sasali rin ito sa nakatakdang 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.

Ang National Women Football Team ay sasali rin sa FIFA Women’s World Cup maging ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.

Follow SMNI NEWS in Twitter