PSG, nasa final stage na ng paghahanda sa kauna-unahang SONA ni PBBM

PSG, nasa final stage na ng paghahanda sa kauna-unahang SONA ni PBBM

INIHAYAG ng Presidential Security Group (PSG) na nasa final stage na sila ng paghahanda sa nalalapit na kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa Hulyo 25 ay nakatakdang mag-deliver ng kanyang kauna-unahang  SONA si PBBM na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex sa lungsod ng Quezon.

Ayon kay PSG Commander Col. Ramon Zagala, kung ilarawan ang present development kaugnay ng kanilang SONA preparation, nasa final stages na aniya sila ng paghahanda para dito.

Nakikipag-coordinate na rin ang PSG sa Philippine National Philippines, Bureau of Fire Protection at iba pang ahensya na susuporta sa pagtitiyak ng seguridad ni PBBM.

Dagdag pa ni Zagala, sisiguraduhin din ng PSG na walang mangyayaring untoward incident sa panahon ng SONA.

“So this is the first SONA of President Ferdinand Marcos Jr. and the Presidential Security Group, we are making the necessary coordination with other security agencies, security personnel such as the Philippine National Philippines, Bureau of Fire, and all other agencies that support the Presidential Security Group in securing that the President will have a safe and no incident, untoward incident that will happen during the SONA,” ayon kay Zagala.

Tiniyak din ni Zagala na mayroong sapat na numero ng ide-deploy na tauhan ng PSG para magbigay proteksyon sa Pangulo maging sa First Family at mga dadalo sa SONA.

“As you know, it is not just the president attending the SONA, there will be members of the House of Representatives, the Senate and other guests that will be attending which will be part of the protection that PSG will give during the SONA,” ayon kay Zagala.

Kaugnay nito, saad ni Zagala, binibigyan din nila ng importansya ang lahat ng mga impormasyon na kanilang natatanggap na may kinalaman sa gagawing SONA.

 “What’s important is we receive information and all this information we receive we consider important and that we verify and for now, everything is okay. However if there are any new information then we will act on it,” aniya pa.

Ang mga naturang paghahanda aniya ay nakaplano na noong nakaraang linggo pa.

Ito ay mula sa pagtungo ni Pangulong Marcos sa Batasang Pambansa hanggang sa pagbalik ng Punong Ehekutibo sa Malakanyang.

Una na ring nagbigay katiyakan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso pagdating sa kaligtasan ng mga dadalo sa unang SONA ni Pangulong Marcos sa Hulyo 25.

Follow SMNI News on Twitter