PSG, pinag-aaralan na kung kakasuhan si ACT-CIS Rep. Go Yap na nagpositibo sa COVID-19

PINAG-aaralan na ng Presidential Security Group (PSG) kung sasampahan ng kaso si ACT-CIS Rep. Eric Go Yap na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PSG Commander Col. Jesus Durante,  ito ay dahil sa ginawang Palace protocol breach ni Yap matapos dumalo sa pulong sa Malacanang sa kabila ng pagkakaroon ng sintomas ng COVID-19 noong March 21.

Sinabi ni Durante na hindi inilagay ng kongresista ang kanyang totoong health condition sa Palace declaration form.

Sa ngayon ay patuloy aniya ang imbestigasyon ukol sa insidente kay Yap.

Nagpaalala rin si Durante sa mga bisita ng Palasyo na makipag-cooperate sa PSG at maging totoo sa pagbibigay ng health information.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.