PTA, aprubado ang face to face classes

PTA, aprubado ang face to face classes

APRUBADO ng Parent-Teacher Association (PTA) ng Pilipinas ang pagpatutupad ng face to face classes sa School Year 2022-2023.

Inihayag ni PTA President Will Rodriguez na 100% sa mga respondents sa isinagawang survey ang sang-ayon sa pagbabalik ng face to face classes sa pribado at pampublikong paaralan.

Dagdag pa ni Rodriguez, halos walang natututunan ang mga mag-aaral sa online classes at apektado ang kanilang social life.

Depensa rin nito, marami na sa mga mag-aaral ang fully vaccinated kontra COVID-19.

Payo naman ni Rodriguez, dapat ihiwalay ang mga mag-aaral na bakunado sa hindi bakunado at dapat magturo sa hybrid set up ang mga guro na hindi pa bakunado.

Una nang inihayag ni dating Department of Education Secretary Leonor Briones na hindi requirement ang vaccination sa mga mag-aaral ngunit dapat bakunado ang mga tauhan ng paaralan.

Saad din ng DepEd, handa na ang 38,000 na paaralan para magsagawa ng face-to-face classes sa School Year 2022–2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter