NAI-turnover na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang 10 Patient Transport Vehicles (PTVs) sa siyam na lokal na pamahalaan.
Partikular na tumanggap nito ang Palanan, Quezon; San Isidro, Cabagan, San Mariano, at San Pablo sa Isabela; at Tanauan, Batangas.
Nakatanggap din ang Balabac, Palawan; Paranaque; at ang Mariano Marcos State University sa Ilocos Norte.
Ang bawat sasakyan ay kompleto sa mga essential life-saving equipment gaya ng stretcher, oxygen tank, wheelchair, first aid kit at Global Positioning System (GPS) navigation system.
Ang PTVs ay nagkakahalaga ng P20M.