Public-private cooperation at positibong sistema ng pagbabago, pagtitibayin sa WEF

Public-private cooperation at positibong sistema ng pagbabago, pagtitibayin sa WEF

BUMUBUO ang mga kasapi ng World Economic Forum (WEF) ng mga solusyon para tugunan ang mga isyung kinahaharap ng mundo.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sa 50 taon mula nang itatag ang WEF, bumubuo ang mga kasapi nitong lider, negosyante, at akademiko ng mga solusyon.

Saysay ng PCO, pagtitibayin sa WEF ang kahalagahan ng diyalogo at public-private cooperation sa mga krisis.

Kasama ring pagtitibayin ang kahalagahan na makapagbigay ng positibong sistema ng pagbabago para sa hinaharap.

Ngayong 2023, ang ika-53 na WEF ay may temang “Cooperation in a Fragmented World.”

Follow SMNI NEWS in Twitter