NANINIWALA ang lead convenor ng Private Sector Advisory Council na magandang simulain ang ginawa ng Marcos administration sa bansang Japan para mapaigting ang public-private partnership sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Japan pinatunayan nitong mahalaga ang pakikipagtulungan ng gobyerno at pribadong sektor.
“So the government is helping the private sector the Japanese private sector and the private sector,” saad ni Mr. Sabin Aboitiz, President & CEO Aboitiz Group.
Naniniwala si Lead Convenor ng Private Sector Advisory Council Mr. Sabin Aboitiz na mahalaga ang suporta ng gobyerno sa pribadong sektor.
Isang patunay rito ang resulta ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos, Jr. kung saan may nakuhang investment pledge ang Pilipinas para sa sektor ng enerhiya.
Ayon kay Aboitiz na siya ring President at CEO ng Aboitiz Group na nagkaroon ng dalawang kasunduan ang Pilipinas sa Japan partikular na sa pribadong sektor sa pamamagitan ng Japan Energy for a New Era (JERA).
JERA naglaan ng $130-M para sa paggamit sa pag-experiment sa ammonia at hydrogen bilang makabaong teknolohiya
Tinatayang nasa 130 million dollars ang grant ang ibibigay ng JERA sa Pilipinas para magsasagawa ng experiment sa ammonia at hydrogen bilang alternative energy.
“Today 2 agreements. One, is an agreement with JERA. JERA has invested a total of 1.5 billion dollars already in the Philippines last year and today we are signing an agreement that JERA brought from the Japanese government of a grant of up to 130 million dollars to be able to experiment on new technologies like ammonia and hydrogen actually today its only 400,000 dollars but will go up to 130 million dollars in total,” wika ni Mr. Sabin Aboitiz, President & CEO Aboitiz Group.
Samantala, isa pang kasunduan ang pinasok sa pagitan ng pribadong sektor mula sa Japan at Pilipinas kaugnay sa paggawa ng alternatibong baterya.
“The other one is with Amber Kinetics With Kawasaki of a Philippine Company that is manufacturing a fly-wheel technology for storage so it is an alternative to batteries, a better alternative to batteries,” ayon pa kay Sabin.
Ayon sa lead convenor ng Private Sector Advisory Council na bahagi rin ng Philippine Business Delegation na hindi namumuhunan ng pera ang pribadong sektor sa Pilipinas kundi maging sa manpower na mayroon ang bansa.
“So the government is helping the private sector the Japanese private sector and the private sector like JERA. What we learn they are not only investing their money they are investing in our people so a lot of our people are coming here we are transferring our technology the Japanese company in all of these hydrogen and ammonia how to run gas plants,” dagdag pa ni Sabin.
Binigyang-diin ng Abotiz CEO na ang pagkakaroon ng palitan ng teknolohiya sa pagitan ng Pilipinas at Japan ang mas mahalaga kaysa sa aktwal na puhunan na makukuha ng Pilipinas.
“So the transfer of technology is probably even bigger the actual investment of money that’s where a lot of focus is gonna be,” ani Sabin.
Sa 5 araw na pagbisita ni Pangulong Marcos sa Japan ay sinaksihan nito ang paglalagda ng 35 letter of intent and agreements na layong makapagdulot ng mas maraming oportunidad at trabaho para sa mga Pilipino sa Pilipinas.