Public transportation, muling sususpendihin sa mga MECQ areas—DOTr

Public transportation, muling sususpendihin sa mga MECQ areas—DOTr

WoodProfit

HINDI na muling papayagan ang mga public transportation sa mga lugar na isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Kasunod ito sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Department of Transportation o DOTr, papayagan lamang bumiyahe ang mga shuttle service ng mga frontliners, mga sasakyan ng pinapayagang industriya na mag-operate.

Ngunit hanggang sa 50% lamang ang pwedeng isakay at kailangan kumuha ng special permit mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Masususpendi rin ang operasyon ng PNR, LRT-1, LRT-2 at MRT-3.

Pinapayagan naman ang paggamit ng bisikleta, motorsiklo at e-scooter.

Magsuot ng face shield

Samantala, inirerekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF-EID) ang publiko sa paggamit ng face shield sa mga lugar na mayroong low ventilation settings, gaya na lamang ng public transportation.

Magugunitang nabanggit ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang paggamit ng face shields para sa mga taga-National Capital Region (NCR) at Region IV-A, kung saan mataas ang transmission ng COVID-19.

Base sa mga pag-aaral, napapababa ang tiyansa ng hawaan kung may face mask at face shields kasabay ang social distancing.

Sa inilabas na Resolution No. 60-A ng IATF, iniutos nito sa mga local government unit ng NCR at Region IV-A na magpatupad ng mahigpit na mga health protocols.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.