Public viewing sa labi ni dating Senador at AFP Chief Rodolfo Biazon sa Holy Trinity Chapel, kasalukuyang isinasagawa

Public viewing sa labi ni dating Senador at AFP Chief Rodolfo Biazon sa Holy Trinity Chapel, kasalukuyang isinasagawa

KASALUKUYANG isinasagawa ang public viewing sa labi ni dating Senador at AFP chief Rodolfo Biazon sa Holy Trinity Chapel ng Philippine Marine Corps, Fort Bonifacio, Taguig City.

Lubos ang pasasalamat ng pamilya ng senador sa mga nagpaabot ng pakikiramay para sa kanila, mula sa mga opisyal ng Philippine Marines, Reservists, malalapit na kaibigan at mga kaanak nito.

Sa darating na araw ng Martes, Hunyo 20, 2023, ililibing ang  labi ni dating Sen. Biazon sa Libingan ng mga Bayani sa ganap na alas-10 ng umaga.

Nagsilbing commandant ng Philippine Marine Corps si Biazon bago ito naitalaga bilang pinuno ng Armed Forces of the Philippines noong taong 1991.

Follow SMNI NEWS in Twitter