BINALAAN ng Office of the Vice President (OVP) ang publiko laban sa mga gumgakit ng pangalan ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte at nagpapakilalang empleyado o konektado rito.
Paalala ng OVP na makipagtransaksyon lamang sa mga lehitimong opisina at empleyado ng tanggapan.
Dagdag pa ng OVP na ireport sa kanilang mga hotline sa 8352-5942 o 8370-1719 ang anumang kaduda-dudang transaksyon na gumagamit ng kanilang pangalan.
Maaari ring ipagbigay alam din anila sa pinakamalapit na police station.