HINIHIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging maingat ngayong umiiral ang Amihan.
Ito’y dahil nagiging sanhi ito upang tumaas ang mga respiratory o flu-like disease.
Sa ngayon, sa datos ng DOH hanggang Disyembre 31, 2024, nasa 179K (179, 227) lang ang naitalang influenza-like illnesses kumpara sa 217K (216, 786) na kaso sa kaparehong panahon noong 2023.
Naniniwala ang DOH na sanhi rito ang mas maayos na health practices ng publiko at ang mga paghahanda na ginagawa ng kanilang ahensiya.