Publiko, hinimok na suportahan ang programang anti-red at mga nagbalik-loob sa pamahalaan

HINIMOK ni Department of Defense Secretary Delfin Lorenzana ang publiko na suportahan ang programa ng pamahalaan laban sa makakaliwang grupo at bigyan ng pagkakataon ang mga nagbalik loob na rebelde na makabalik sa kanilang mga komunidad at mamuhay ng payapa at maunlad kasama ng kanilang pamilya.

“These former young rebels can be given another chance to have regular lives, a life where they do not need to run and hide. It’s never too late to have a change of heart and return to the fold of the law,” pahayag ni Lorenzana.

Dagdag aniya na hangga’t malinis ang intensyon ng mga sumusukong rebelde, nararapat lamang na tanggapin sila nang maluwang sa kanilang pagsusumikap na makabalik sa komunidad.

“As long as they are sincere with their intentions, let us welcome these rebels back and laud them for upholding the rule of law. Masaya ako na matapang silang nagdesisyon na magbalik-loob,” ani Lorenzana.

Sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa pakikipag-ugnayan ng Inter-Agency Task Force Balik-Loob, kuwalipikadong makatatanggap ang mga dating rebelde at ekstremista ng mga benepisyo mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno upang tulungan sila sa kanilang pagbabalik sa komunidad.

Kabilang dito ang tulong pinansyal at pangkabuhayan maging ng psychosocial at legal na suporta.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.