IPINAALALA ng Department of Health (DOH) sa publiko na maniwala lang sa mga balitang ‘verified’ o napatunayan na sa pamamagitan ng mga opisyal na social media platform.
Ito’y upang maiwasan ang pagkabahala o pagkataranta.
Kaugnay ang pahayag ng DOH sa kumakalat na umano’y international health concern dahil sa sinasabing panibagong epidemya na nangyayari sa China.
Ayon sa DOH, hindi kinumpirma ng World Health Organization (WHO) ang naturang impormasyon.